-- Advertisements --

Umayaw na si dating US President Donald Trump na makaharap muli si Vice President Kamala Harris sa isang debate.

Sinabi nito na sa nagdaang debate nila ay malinaw na nagwagi na siya.

Inihalintulad pa ni Trump si Harris bilang isang boksingero na natalo na at nais pang rematch.

Giit nito na ang mga problema na idinulot nina Harris at US President Joe Biden ay detalyadong natalakay na.

Una kasi naka-debate ni Trump si Biden noong Hunyo bago ito umatras sa pagkapangulo at pinalitan ni Harris.

Nakadebate naman nito si Harris nitong Setyembre 10 sa Philadelphia.

Humirit naman ang kampo ni Harris na dapat magkaroon ng pangatlong debate.