Buo ang loob ni US President Donald Trump na hindi nito iuurong ang pagpataw ng mataas na buwis sa mga produkto ng China.
Sa kabila ito ng paghahanda ng dalawang panig upang ipagpatuloy ang knailang trade talks sa Setyembre.
Bukas ay nakatakda nang ipatupad ang muling pagtataas ng taripa na ipinataw ng Amerika laban sa China.
Patuloy naman ang pagpapahayag ni Trump ng kaniyang kumpiyansa na magkakaroon na rin ang Amerika ng trade deal kasama ang China ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pagbabato ng kritisismo hinggil sa economic policies na ipinapatupad ng Beijing sa Hong Kong.
Wala pang inilalabas na detalye ang White House kung kailan sisimulan ang nasabing pagpupulong.
Tataas ng $125 billion o halos anim na trilyong piso ang buwis sa lahat ng produkto na iniaangkat ng China.