Nilinaw ni US President Donald Trump sa mamamayan ng Amerika na wala sa kaniyang plano ang mag-concede o sumuko sa labanan nila ni Democratic presidential candidate Joe Biden sa nagpapatuloy na bilangan ng boto sa US elections.
Kahit na ipinapakita sa kanya ngayon ang kabuuan ng boto kung saan pumapangalawa siya kay Biden, si Trump naman ay hindi raw naghanda ng isang talumpati para mag-concede.
Sinabi raw nito sa kaniyang mga kaalyado na wala siyang balak na mag-concede.
Patuloy pa rin na nanindigan ang kaniyang kampo na magkubli sa korte upang hamunin ang mga resulta ng botohan.
Una nang itinaguyod ng kampo ni Trump ang “Lawyers for Trump” na siyang tututok at maghahanap ng sapat na ebidensya sa kanilang alegasyon na may nangyaring dayaan sa bilangan ng boto.
Sa panig naman ni Biden, nagbabala rin ang kaniyang kampo na e-escortan nila palabas ng White House ang US Republican kung magmatigas itong tanggapin ang kaniyang pagkatalo.
Ginawa raw ng panig ni Biden ang hamon matapos manguna na ito sa botohan ng Pennsylvania at Georgia.