-- Advertisements --
Hindi umano kayang mangako ni President Donald Trump na magiging maayos ang kaniyang pag-alis sa pwesto kung sakali man na matalo ito sa nalalapit na presidential elections sa Nobyembre.
Sa ginanap na press conference sa White House, ibinunyag ng Republican president ang kaniyang agam-agam sa mga balota lalo na sa mail-in voting. Hindi aniya malayo na magkaroon ng dayaan dahil dito.
Ito ay sa kabila ng dumadami pang estado na sumusuporta sa mail-in voting. Mas kailangan daw kasing siguraduhin ang kaligtasan ng bawat botante sa gitna ng coronavirus pandemic.
Taong 2016 nang supalpalin ni Trump ang pagtanggap ng election results sa kaniyang panig laban sa kalabn nito noon na si Democratic candidate Hillary Clinton.