-- Advertisements --
President trump
Trump

Hindi pa rin umano tatanggalin ni US President Donald Trump ang presensiya ng US troops sa Afghanistan.

Ito ay kahit na nakipagkasundo ang Washington sa Taliban para matapos na ang 18-taon na giyera.

Sinabi ng US President, walang pagbabago sa pagpapanatili sa nasabing mga sundalo.

Mula kasi nang umupo ito sa pagkapangulo ay binawasan na ang mga nakatalagang sundalo na sa ngayon ay nasa 8,600.

Nagkaroon ng positibong resulta ang pag-uusap ng US at Taliban kung saan nakatakdang bumisita si US special representative for peace in Afghanistan Zalmay Khalizad para makipagpulong sa mga Afghan leaders.