-- Advertisements --

Hindi na nakikita ni dating US President Donald Trump na tatakbo muli sa 2028 kapag ito ay natalo sa buwang ng Nobyembre.

Sa kaniyang talumpati sa kampanya sa Willmington, North Carolina na kaniyang tatanggapin ang nasabing kapalaran.

Magiging edad 82 na kasi siya pagdating ng 2028 elections kung bigo man siya ngayong Nobyembre.

Magugunitang makailang ulit na sinabi ni Trump na kayang-kaya niyang talunin ang katunggali nitong si Vice President Kamala Harris kung saan patuloy ang ginagawa niyang pag-atake.