-- Advertisements --
Sa kabila ng pagpapadala ni US President Donald Trump ng military forces sa Middle East, binigyang linaw nito na wala raw siyang balak na patalsikin sa pwesto si Hassan Rouhani na kasalukuyang pinuno ng bansang Iran.
Ito ang pahayag ni Trump sa isinagawang news conference sa Tokyo, Japan matapos ang pakikipagpulong nito kay Japanese Prime Minister Abe Shinzo bilang bahagi ng kanyang four-day state visit.
Sa halip, sinabi nito na naniniwala umano siyang may posibilidad pa rin na magkaroon ng magandang hinaharap ang naturang bansa.
Una na rito ay malayang nagpahiwatig si national security adviser John Bolton na susuportahan umano nito kung sakaling mapagdesisyunan ni Trump na piliting pababain sa pwesto ang pinuno ng Iran.