-- Advertisements --
mark Meadows
Mark Meadows (Twitter photo)

Nagpositibo sa coronavirus ang White House chief of staff na si Mark Meadows.

Una nang nakasama ni US President Donald Trump si Meadows sa biyahe nitong nakalipas na Lunes at Martes.

Liban nito, nakahalubilo rin ng Presidente si Meadows noong Miyerkules sa ginanap na party night.

Sinasabing ilang opisyal sa White House ang naalarma lalo na at marami itong nakasalamuha na posibleng nakahawa pa sa iba.

Kung maalala maging si Trump, first lady at ilan pang mga aides ay una nang gumaling din sa COVID-19.