-- Advertisements --
Pumasok na ang Tropical Storm Kong-Rey sa Philippine Area of Responsibility, ayon sa state weather bureau.
Si Kong-Rey ay binigyan ng local name na “Leon,” kung saan pumasok sa loob ng PAR ng alas-7:30 ng gabi.
Samantala, alas-10 ng gabi, namataan ang Tropical Storm Leon sa layong 1,355 km silangan ng Central Luzon, taglay ang hanging 65 kph at pagbugsong aabot sa 80 kph. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 25 kph.
Maaaring maapektuhan ng Leon ang Extreme Northern Luzon at patuloy na maimpluwensyahan ang hanging habagat na una nang na-trigger ng Severe Tropical Storm Kristine, ”na maaaring makaapekto sa western section ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao sa mga susunod na araw,” sabi ng state weather bureau.