-- Advertisements --

Nanalo para sa kanyang ikalawang termino si Tsai Ing-wen bilang pangulo ng Taiwan matapos ang gitgitang halalan.

Natipon si Tsai ang 58% ng kabuuang mga boto, na malayo ang agwat sa kanyang karibal na si Han Kuo-yu, alkalde ng siyudad ng Kaohsiung.

Sa kanyang victory speech, sinabi ni Tsai na ipinapakita lamang ng Taiwan sa kanyang pagkapanalo ang kanilang pagpapahalaga sa demokrasya at sa kanilang estado.

Dapat na rin aniyang tigilan ng China ang kanilang pagbabanta sa Taiwan.

“Peace means that China must abandon threats of force against Taiwan,” wika ni Tsai. “I also hope that the Beijing authorities understand that democratic Taiwan, and our democratically elected government, will not concede to threats and intimidation.”

Una nang nag-concede si Han, na kandidato ng Kuomintang party, makaraang maging malinaw na ang resulta.

“I have called President Tsai to congratulate her. She has a new mandate for the next four years,” ani Han. (BBC)