-- Advertisements --

Umusad na sa final ng ATP Finals sa London si Stefanos Tsitsipas makaraang ilampaso si sx-time champion Roger Federer.

Pinahiya ng 21-year-old Greek si Federer sa iskor na 6-3 6-4.

Bunsod nito, nabigo ang pangarap ng 38-anyos na si Federer na ikapito sanang titulo sa torneyo.

Sa ngayon, hinihintay na lang ni Tsitsipas ang magwawagi sa harapan naman nina defending champion Alexander Zverev at fifth seed Dominic Thiem.

Bagama’t todo ang ipinakita ni Federer nang talunin nito ang karibal na si Novak Djokovic upang makatuntong sa semifinals, naging malamya naman ang ipinakita nito sa faceoff nila ni Tsitsipas.

“It’s a great moment not just for me, for my country, my team,” wika ni Tsitsipas. “I’m proud of myself, how hard I fought today, how concentrated I stayed in the break points.

“Didn’t crack under pressure. I was very composed and very mature in my decisions.” (CNN/BBC)