-- Advertisements --

Nabigo ang pambato ng Pilipinas na si Junna Tsukii sa 2021 WKF Senior World Championship sa Dubai.

Hindi nakaporma kasi ang 30-anyos na karateka kay Bakhriniso Babaeva ng Uzbekistan sa second round 2-3.

Dahil sa pagkatalo ay hindi na rin ito nakapasok sa repechage round na siyang makapagbigay sana sa kaniya ang tsansa para matapos ang podium.

Bago kasi ang pagkatalo ay nagwagi si Tsukii sa majority decision laban kay Sara Radicevska ng North Macedonia.

Nabigo rin para sa bronze medal si SEA Games champion Jamie Lim na sumabak sa women’s 62 kg. repechage.