-- Advertisements --
Nakabalik na sa Pilipinas si Filipino-Japanese karateka Junna Tsukii para maghanda sa pagsabak nito sa 2021 Asian Karate Championship sa Almaty, Kazakhstan.
Umalis ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa Japan noong Setyembre para sumali sa dalawang torneo sa Europa bago bumalik sa Pilipinas.
Sumabak ang 30-anyos na si Tsukii sa 50 kg. women’s kumite na kailangan pa ng manalo ng titulo sa contintental level.
Magugunitang noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malayasia ay nagwagi ito ng dalawang bronze medal sa 50 kg. Kumite at team Kumite.