-- Advertisements --
JAKARTA, Indonesia – Naglabas ang Indonesian authorities ng tsunami alert, kasunod ng magkakasunod na pagsabog ng bulkan sa North Sulawesi.
Nabatid na lumikha ng mala-haliging usok ang naturang pagsabog, bagay na naging hudyat para lumikas ang maraming residente.
Ang Mount Ruang na isang stratovolcano ay unang sumabog bandang 9:45 ng gabi (local time) noong Martes, bago nasundan ng apat pa noong Miyerkules.
Ayon sa Indonesia’s volcanology agency, posibleng mag-collapse ang ilang bahagi ng bulkan at bumagsak sa dagat at lumikha ng tsunami, matapos ang pangyayari.
Nabatid na nangyari na ang ganung scenario noong 1871.
Nanganganib naman sa ganitong sitwasyon ang Tagulandang island, kaya agad na pinalilikas ang mga mamamayan.