-- Advertisements --
(Update) JAKARTA – Binawi na ng mga otoridad sa Indonesia ang tsunami warning matapos ang pagtama ng 6.9-magnitude na lindol sa bahagi ng Molucca Sea.
Ayon sa geophysics agency ng Indonesia, walang naitalang pinsala matapos ang malakas na pagyanig.
Naitala ang sentro ng pagyanig sa 185-kms timog-silangan ng Manado sa pagitan ng Sulawesi at Malkuku islands.
Batay sa US Geological Survey, may lalim na 24-kms ang pagyanig sa Molucca Sea, at nasundan ng mahihinang mga aftershocks.
Nataranta na raw ang mga residente sa ilang siyudad dahil sa pag-uga ng mga gusali.
Ilan namang mga ospital sa lungsod ng Ternate na nasa 130-km ang layo mula sa sentro ng lindol, ay nagtamo ng maliliit na pinsala at kinailangan pang ilikas ang mga pasyente. (Reuters)