-- Advertisements --

Naramdaman ang pagtaas ng tubig sa karagatan ng Japan at California dulot ng bahagyang tsumani dahil sa pagputok ng underwater volcano sa Tonga.

Unang pumutok ang Hunga-Tonga-Hunga-Ha’apai volcano na matatagpuan sa Fonafo’ou island sa Tonga noong Biyernes na sinunda nitong Sabado.

Nagpakawala ng makapal na abo, gas at kumukulong usok na may taas na 20 kilometro sa ere ang nasabing sumabog na bulkan.

Nagdulot din ng tsunami sa Tongatapu ang capital ng Tonga kung saan mabilis naman na inilikas ang mga mamamayan sa mataas na lugar.

Unang itinaas ang tsunami warning sa Japan at sa western California subalit tinanggal din ang warning matapos ang ilang oras.