-- Advertisements --
Nilinaw ng DOST-Phivolcs na walang banta sa Pilipinas ang naganap na malakas na lindol sa Gulf of Alaska kaninang alas-5:32 ng hapon.
Sa abiso ng Phivolcs, nasa 8.0 magnitude ang nakarating na impormasyon sa kanila na natukoy sa lalim na 19 kilometers sa nasabing lugar.