-- Advertisements --

Tinanggal na ng Indonesia ang tsunami warning matapos pagtama ng magnitude 7.4 na lindol.

Walang anumang naitalang nasawi at matinding pinsala sa mga gusali ang tumamang lindol sa East Nusa Tenggara region.

Maraming mga residente ang nag-panic at naglabasan sa kanilang mga bahay matapos ang pagtama ng lindol.

Normal ng tumatama ang mga lindol sa Indonesia dahil ito ay matatagpuan sa tinagurang “Ring of Fire” ng Pacific Ocean.