CAUAYAN CITY – Dalawa ang nasugatan sa banggaan ng truck sa Del Pilar, Cabatuan Isabela.
Ang mga sangkot na sasakyan ay ang Isuzu forward truck na minamaneho ni Alberto Nava, 49, may asawa, residente ng Tabon, San Isidro, Nueva Ecija habang ang isa pang sasakyan ay ang Isuzu elf na minamaneho ni Gilbert Delos Santos, 42, walang asawa at residente ng Remus, Baggao, Cagayan.
Lumabas sa pagsisiyasat ng Cabatuan Police Station, binabagtas ni Nava ang pambansang lansangan patungong Nueva Ecija nang makarating sa Cabatuan-Aurora Bridge ay biglang umagaw ng linya si Delos Santos kaya nagbanggaan ang kanilang minamanehong truck.
Nagtamo ng sugat sa iba’tibang bahagi ng kanilang katawan sina Delos Santos at sakay nito na agad dinala sa pagamutan ng mga tumugong kasapi ng 24/7 Cabatuan rescue.