VIGAN CITY – Unti unti nang humuhupa ang mga kalsadang umapaw ang tubig dahil sa pananalasa ng Bagyong Neneng sa probinsya.
Sa Poblacion- Patungcaleo spillway sa Quirino, Ilocos Sur ay hindi madaanan kanina, samamtalang sa Sugpon at Alilem ay wala namang naiulat na nasaktan o isolated na brgy base na rin sa kumpirmasyon ng chie of police at municipal fire marshal.
Sa halos 24 oras ay nag-uuulan sa lalawigan kung saan ang pinakamalakas ay kaninang madaling araw at bandang umaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PDRRMC Michael Chan, sa 32 munisipyo at dalawang siyudad, mula sa 768 brgy, wala pa naman silang natanggap na ulat mula sa local MDRRM at CDRRM na biktima ng pagbaha.
Sa ngayon ay nasa ilalim ng signal number 1 ang lalawigan.
Ang mga mababahala na lamang ngayon ay ang mga magsasakang hindi pa nakaka-ani ng kanilang mga pananim na palay..
Naka standy na rin ang mga relief at heavy equipments sa harap ng kapitolyo sakaling kakailangin ang kanilanh tulong.
.