DAVAO CITY – Apektado umano ng Escherichia coli ang tubig na iniinom ng mga residente sa ilang Barangay sa Manay Davao Oriental na siyang dahilan ng diarrhea outbreak sa lugar.
Una ng binisita ng mga personahe ng Provincial Health Office (PHO) at Municipal Health Office (MHO) team ang mga apektadong Barangay para kumuha ng water samples sa gagawing Colilert test at nagsagawa rin sila ng rectal swab sa mga pasyente.
Lumalabas sa isinagawang test sa water samples sa mga lugar ng Purok 1 Central; San Ignacio (new source); Guza ; at Del Pilar na may presensiya ito ng Escherichia coli.
Dahil dito, nirekomenda ngayon ng PHO at MHO na isinailalim sa disinfection ang lahat ng mga water reservoir sa lugar at handa umani sila na magbigay ng Chlorine.
Nabatid na nasa higit 40 ang nagka-diarrhea sa lugar habang nasa anom ang naitalang namatay.
Temporaryo muna na binibigyan ng supply ng tubig ma-iinom ang mga residente hangga’t hindi maidedeklarang ligtas na itong inumin.