-- Advertisements --

LA UNION – Dahil sa paniniwalang ito ay nakagagaling patuloy na dinarayo ng mga deboto mula pa sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang tubig na nagmumula sa balon na katabi lamang ng St. Catherine Parish Church sa bayan ng Luna, lalawigan ng La Union.

Ayon sa mga deboto na nakainom na ng tubig na mula sa balong ito ang nakapagpagaling umano sa kanilang sakit at sa tulong na rin ng pananampalataya kay Our Lady of Namacpacan.

Napag-alamang ang St. Catherine Parish Church ay isa sa pinakamatandang simbahan katoliko sa La Union ay may edad na 329 kung saan itinayo ito noong 1690 habang ang imahe ni Our Lady of Namacpacan, ang pinakamatangkad na Marian image na may taas na feet 4 inches (1.92 m) sa Pilipinas at kilala bilang patron ng mga Ilokano travellers.

Maliban sa nakagagaling na tubig mula sa balon ay matatagpuan din sa nabanggit na lalawigan ang 400-year-old watchtower na naibalik matapos na ito ay masira ng bagyong Typhoon Lando noong taon 2015.