-- Advertisements --

Siniguro ng National Irrigation Administration (NIA) na matutugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka sa Central Luzon ngayong dry cropping season.

Ito ay matapos maabot ng Angat Dam ang ‘ideal level’ o mahigit pa sa 212 meters na lebel ng tubig sa pagtatapos ng taon.

Ang naturang lebel aniya ay sapat na para tugunan ang pangangailan ng mga magsasaka, maliban pa sa maaaring maidagdag dito habang nagpapatuloy pa rin ang mga pag-ulan dulot ng Amihan at Shear Line.

Nagsimula ang unang dry cropping season noong November 15, 2024 habang ang ikalawang season ay opisyal na magsisimula sa March 1, 2025.

Maaalalang dahil sa malawakang El NiƱo phenomenon na dinanas ng bansa nitong nakalipas na taon ay maraming mga magsasaka sa Central Luzon ang hindi nasuplayan ng tubig dahil sa mababang lebel ng tubig sa mga dam, pangunahin na ang Angat Dam na nagsusuplay din ng tubig sa Metro Manila.

Ang Central Luzon ay tinatawag na ‘Rice Granary of the Philippines’ dahil sa malaking bulto ng produksyon ng bigas sa Pilipinas ay nagmumula sa naturang rehiyon, batay na rin sa rekord ng Department of Agriculture.