-- Advertisements --
PJ Tucker
Rockets P.J. Tucker

Muling na namang nabawasan ang pool of players o pagpipiliang line up ng national basketball Team USA matapos na isa na namang NBA star ang umatras.

Ang pinakahuling umatras ay si P.J. Tucker, 34, ng Houston Rockets matapos na magtamo ng minor left ankle sprain.

Dahil dito nasa 14 na players ang naiwan mula ito sa orihinal na 19 na unti-unting nabawasan bunsod ng iba’t ibang kadahilanan.

Nitong araw haharapin ng Team USA ang world’s number 2 na Spain sa exhibition game bago ianunsiyo sa mga susunod na araw ang Final 12 line up na isasama sa FIBA World Cup sa China.

Samantala kasama naman pinagpipilian sa USA World Cup finalists ay sina Harrison Barnes (Sacramento Kings), Jaylen Brown (Boston Celtics), De’Aaron Fox (Sacramento Kings), Joe Harris (Brooklyn Nets), Kyle Kuzma (Los Angeles Lakers), Brook Lopez (Milwaukee Bucks), Khris Middleton (Milwaukee Bucks), Donovan Mitchell (Utah Jazz), Mason Plumlee (Denver Nuggets), Marcus Smart (Boston Celtics), Jayson Tatum (Boston Celtics), Myles Turner (Indiana Pacers), Kemba Walker (Boston Celtics), at Derrick White (San Antonio Spurs).