Binatikos ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang katiting na taas sahod na inaprubahan sa tatlong rehiyon.
Ayon sa TUCP na ang pinakahuling taas sahod sa Cagayan Valley, Central Luzon at Soccsksargen region ay isang maituturing na paglalagay ng asin sa sugat ng bawat manggagawang Pinoy.
Kahit aniya ang mga pinakamalaking buwanang minimum wages sa nasabing rehiyon ay mababa pa rin na maituturing at hindi makatotohanan lalo na kung mayroong kayong limang miyembro sa isang pamilya.
Sa nasabing dagdag na P27 hanggang P66 na ibinigay ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ay wala pa sa kalahati sa kanilang isinusulong.
Isinusulong kasi ng grupo ang P150 na across-the-board na taas sahod sa lahat ng mga manggagawa sa private sectors.