-- Advertisements --
Hindi umano sang-ayon ang grupo ng mga manggagawa sa binagong Security of Tenure (SOT) Bill.
Sinabi ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) president Raymond Mendoza na mas maganda pa ang naunang bersyon ng panukalang batas na nai-veto ng pangulo.
Ang nasabing naunang bersyon ay sumailalim sa industry-by-industry tripartite process para makita kung anong trabaho ang regular at kailangan na isailalim sa legal contracting.
Ikinalungkot nito na ang muling paggawa ng SOT bill ay uubos ng maraming oras dahil kinakailangan pa ng iba’t ibang pagpupulong sa nasabing panukalang batas.