-- Advertisements --

Hinikayat ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang Department of Transportation (DOTr) na magkaroon dapat sila ng pag-uusap sa mga transport group.

May kaugnayan ito sa nakakasang tigil pasada sa darating na Marso 24-26.

Ayon kay TUCP President at House of Representatives Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza, na mahalaga ang pagkakaroon ng pag-uusap para matugunan ang problemang pumapalibot sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) at ang planong taas pasahe.

Lahat niya maging jeepney drivers, commuters at manggagawa ay nakakadama ng epekto ng taas presyo ng mga bilihin ganun din ang taas singil sa kuryente, tubig at social security contributions.

Sa nasabing pag-uusap ay maaaring makabuo ng konkrtetong solusyon sa mga usapin ng tranportasyon.