-- Advertisements --
Inalmahan ng grupong Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang plano ng ilang senador na bawasan ang holidays sa bansa.
Ayon kay TUCP Secretary General Arnel Dolendo, na ang pagtulong na lamang sa mga manggagawa at ganun din ang kanilang kagamitan ay siyang magpapadagdag ng kanilang kasipagan.
Inihalimbawa nito ang ilang kumpanya na nais magtaas ng productivity subalit ang kanilang mga kagamitan ay noon pang dekada 60 pa.
Giit nito na hindi dapat magsakripisyo ang mga manggagawa kung ang iniisip lagi ay ang productivity.
Una ng sinabi ni Senate President Chiz Escudero na dapat ay bawasan ang mga holidays sa bansa para tumaas ang productivity ng mga Pinoy ang maging competitive ang mga kumpanya sa bansa.