-- Advertisements --
Nakulangan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa dagdag na P35 na minimum wage sa mga mangggagawa ng National Capital Region (NCR).
Sinabi ni TUCP legislative officer Paul Gajes na isang pang-iinsulto sa mga manggagawa ang kakapiranggot na taas presyo.
Hindi talaga masasabing sapat ang nasabing halaga dahil sa kulang pa aniya ito sa araw-araw na gastusin.
Patuloy na kanilang isinusulong ang P150 na legislated wage hike na una ng naaprubahan ng senado at ito ay nakabinbin pa sa Committee of Labor and Employment ng House of Representatives.