BUTUAN CITY – Sumali ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa National Wage Coalition rally ngayong araw, Labor Day kasama ang iba pang grupo ng mga manggagawa gaya ng Kilusang Mayo Uno at Federation of Free Workers na nananawagan para sa karagdagang 150-pisong pagtaas ng sahod.
Ayon kay Carlos Oñate, Advocacy Officer ng nasabing grupo, sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, ang kanilang hiling ay nakasaad sa TUCP House bill number 7871 para sa 150-0pesos across the board wage increase na inaasahan nilang aaprubahan ng komite ng House of Representatives sa susunod na linggo.
Ikinadismaya ni Oñate ang kawalan ng plano ng Department of Labor and Employment at ng Malakanyang na makikipagdayalogo sa kanila lalo na’t malaki ang papel ng mga trabahante sa mga negosyo kung kaya’t karapat-dapat lang na dagdagan ang kanilang sahod.