-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagpaabot nang pasasalamat si Kabacan Cotabato Election Officer Ramon Jaranilla sa mga Kabakeño sa patuloy na pagtangkilik na magpatala para sa darating na 2022 election.

Batay sa datos ng tanggapan, mahigit sa 5,000 na ang nakakapagpatala sa bayan.

Kaugnay nito, pinaalalahanan din ni Jaranilla ang publiko na magtatapos ang registration ngayong September 30, 2021 kung kaya magbubukas na ang kanilang tanggapan mula Lunes hanggang Sabado ng alas-8:00 hanggang alas-5:00 at alas-1:00 hanggang alas-5:00 naman tuwing Sabado.