-- Advertisements --
cagayan tuguegarao floods
Tuguegarao flood

TUGUEGARAO CITY – Nagdeklara na ng State of Calamity ang Tuguegarao City, Cagayan dahil sa pagbaha dulot ng mga pag-ulan na hatid ng tail end of a cold front.

Sa panayam kay Councilor Boyet Ortiz, gagamitin ng lungsod ang P14 milyon calamity fund sa mahigit 10,000 pamilya o 35,230 katao na apektado sa pagbaha.

Samantala sinabi ni Rueli Rapsing, head ng Task Force Lingkod Cagayan na libu-libong pamilya na ang inilikas dahil sa malawakang pagbaha matapos iutos ang forced evacuation sa 10 bayan at isang syudad sa lalawigan.

Isang lalaki sa Tuguegarao City ang naitalang patay matapos masuwag ng sungay ng alagang kalabaw habang inililikas niya ito dahil sa pagbaha.

Dalawang lalaki naman ang nasagip ng mga otoridad matapos tangayin ng tubig baha ang bahay ng isa habang naanod ang isa nang tangka nitong ilikas ang pinapastolang kalabaw sa bayan ng Iguig.

Hindi rin nakaligtas ang himpilan ng bombo Radyo Tuguegarao sa baha na dahilan upang pansamantalang tayong nawala sa ere.

Samantala, pansamantalang isinara ang Buntun Bridge at Namabbalan sa mga motorista palabas papasok ng Tuguegarao City maliban lamang sa mga biyaheng pa –Manila.