BUTUAN CITY – Ginawang alaga ng pamilya Bayot ng Brgy. Taguibo nitong lungsod ng Butuan ang isang tuko na may dalawang buntot.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Edilberto Nobleza Bayot, may-ari ng tuko, na maliit pa lamang ito nang kanyang makitang gumagala sa kanyang mushroom farm at kumakain ng mga inisekto gaya ng ipis.
Ngayong lumaki na ito at malinaw nang makikita ang kanyang mga buntot ay saka pa niya niya nakagiliwang kunan ito ng mga larawan at videos at nai-post niya online.
Dahil sa dami na ng mga nakakita ay marami na ring mga nag-o-offer sa kanyang bilhin ito na pareho niyang inayawan sa dahilang liman g taon na nila itong inaalagaan ng kanyang pamilya dahil nagbibigay ito sa kanila ng saya.
Dinarayo na rin ang kanilang bahay nga mga taong nais na makakita sa naturang tuko.