-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inihandan na ang kasong isasampa laban sa tulak ng pinagbabawal na gamut matapos itong nahuli sa buybust operation ng pulisya sa may Purok Sibuyas, Barangay Golden Ribbon, Butuan City.

Nakilala ang suspek na si Pablito Furton alyas Dodong, 36-anyos, may-asawa at anim ang mga anak na taga Barangay 10, sakop sa lungsod ng Cabadbaran sa lalawigan ng Agusan Del Norte.

Nakumpiska sa mga personahe ng Butuan City Police Office (BCPO) ang 6 sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu, 1,900 piso nap era kasama na nito P1,000 na marked money.

Nasa kustudiya na sa BCPO ang suspek para sa tamang disposasyon habang nakatakdang isumite sa PNP Crime laboratory ang nakuhang mga bagay para sa screening at confirmatory testing.