-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Inihanda na ang kasong isasampa laban sa tulak ng pinagbabawal na gamut matapos nahuli sa may Langihan, Purok 13 Brgy. Limaha, Butuan City.
Isinagawa ang operasyon sa Butuan City Police Office o BCPO, Butuan City Police Station 2 at Philippine Drug Enforcement Agency.
Nakilala ang suspek na si Aijin Walidji Maluyoh alias ‘Kinong’, 22-anyos at residente ng P-4 Emilia Compound, Brgy. Holy Redeemer, Butuan City.
Base sa records, napag-alaman na ang ay suspek dati nang nasampahan ng kasong may kaugnayan sa illegal drugs ng PDEA.
Ang operasyon at nagresulta sa pagkarekober ng 9 na gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng 106,200 pesos, marked money at iba’t ibang drug paraphernalia galing sa posisyon ng suspek.