-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Nangangamba ngayon ang mga dumadaan sa tulay ng Lemery at Calaka Batangas para maghatid ng tulong sa mga apektado ng Taal eruption dahil nagkakaroon ito ng mga bitak.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Derrick Manas, columnist sa Batangas, posibleng bumagal ang relief operations dahil hindi pwedeng sabay-sabay na dumaan sa tulay ang mga truck o sasakyan na puno ng mga kargang pagkain, tubig at iba pang pangunahing kailangan ng mga evacuees.

“Nagkaroon ng bitak yong bridge ng Lemery at Calaka, Batangas, so baka bumagal yong relief operations. Nag re-receive ako ngayon ng mga donations in fact in the nest few days may mga sasamahan ako. Carefully identifying kung saan ibabagsak kasi pagka napadaan doon sa lugar na may mga bitak-bitak baka hindi kami maka tawid,” wika ni Manas.

Dagdag pa ni Manas na on going ang rescue operations ng Army trucks sa mga residente na hindi makalabas ng kani-kanilang bahay dahil sa ashfall. Pinagbaabwalan na din ang mga sibilyan na makapasok sa Talisay, Agoncillo at Laurel dahil lubha paring napa dilikado lalo pa at inaasahan na bumalik ang ibang mga residente para balikan ang mga naiwang alagang hayop o mga kagamitan.

Sa ngayon patuloy din ang panawagan ni Manas na kinakailangan pa rin ng dagdag na pagkain tulad ng tinapay, bigas, canned goods ganun din ng tubig, mga kumot, damit at marami pa dahil tiyak na kukulangin at magugutom ang Taal eruption victims sa mga susunod pang mga araw.