Napanatili umano ng TV personality na si Raffy Tulfo ang pangunguna sa survey sa pagka-senador sa 2022 elections.
Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey nanguna si Tulfo na sinusundan ni Sorsogon Governor Chiz Escudero habang pumangatlo si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.
Base sa survey na kinomisyon ng Stratbase ADR Institute, Inc. na 60 percent ng 1,200 adult Filipinos ang pinili si Tulfo bilang top choice kung magaganap ngayon ang halalan.
Sa ikalawang puwesto mayroong 51 percent ang pumili kay Escudero habang 50 percent kay Cayetano na mula sa dating pang-limang puwesto ay nasa pangatlong puwesto na.
Nasa pang-apat na puwesto naman sa survey si House Deputy Speaker Loren Legarda na mayroong 45 percent at pang-limang puwesto naman si Senate Majority Leader Miguel Zubiri.
Habang nasa pang-anim na puwesto naman si former Vice President Jejomar Binay (40 percent) at pang-pito si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.
Pasok din naman sa Magic 12 sa pinakahuling SWS survey sina Senator Risa Hontiveros, dating senator Jinggoy Estrada, actor Robin Padilla at veteran journalist Noli de Castro at Senator Joel Villanueva.
Habang sina dating Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito (26 percent, 13th-14th), Sen. Richard Gordon (26 percent, 13th-14th), at si Sen. Sherwin Gatchalian (25 percent, 15th).