Dumating na sa Libya ang mga tulong mula sa iba’t-ibang bansa matapos na pananalasa ng malawakang pagbaha na ikinasawi ng mahigit 2,000 katao.
Mayroong dalawang eroplano na may dalang 150 toneladang pagkain, at mga gamot ang United Arab Emirates.
Nagbigay na rin ang European Union ng halagang $535,000 bilang bahagi ng emergency funding.
Pinangangambahan naman ng International Rescue Committee na maaring dumoble pa ang bilang ng mga nasawi.
Nanawagan din ang grupo sa mga bansa na magpadala ng tulong sa mga nasalanta ng pagbaha.
Nitong Miyerkules din ay nagpaabot ng pagdarasal si Pope Francis misa na kaniyang pinangunahan sa Vatican.
Umaabot na sa mahigit 30,000 na mga residente ng Derna city ang nawalang ng bahay dahil sa pagkasira ng dalawang dam bunsod ng malawkaang pagbaha.