-- Advertisements --

NAGA CITY- Tahasang sinabi ng isang Bicolano coach na dapat ikonsidera na ng Pilipinas ang tulong mula sa ibang mga coach na may napatunayan na sa mga international competition pagdating sa larangan ng basketball lalo na kung nais talaga nitong masungkit ang tagumpay.

Ito ang binigyang-diin ni Coach JC Nuyles ng Ateneo de Cebu sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga.

Ayon kay Nuyles, isa sa mga nakikita niyang dahilan sa tatlong beses na pagkatalo ng Gilas sa FIBA World Cup ay ang maikling panahon na training kumpara sa ibang koponan na halos isang taon kung maghanda.

Iginiit din nito na mas nauuna pa kasi sa Pilipinas ang isyu sa pulitika na nadadala hangang sa sports sector.

Kaugnay nito, may angking talento sana aniya ang mga players sa bansa ngunit walang quality ang type of game ng mga ito.