-- Advertisements --

Welcome umano sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang koordinasyon mula sa mga international authorities para mapanagot ang mga sangkot sa tinaguriang pinakamalaking accounting scandal sa Germany na kinasangkutan ng Wirecard.

Sa isang pahayag, sinabi ng BSP na nakikipagtulungan sila sa Anti-Money Laundering Council, National Bureau of Investigation, at sa iba pang mga institusyon para imbestigahan ang umano’y pagkawala ng $2.1-bilyon ng nasabing kumpanya.

“The BSP and the AMLC are working closely with the National Bureau of Investigation on the matter and is open to coordination with concerned international authorities to hold unscrupulous individuals accountable,” saad ng BSP.

“Committed to full transparency on the matter, the BSP and the AMLC will be sharing updates on the issue as investigations progress…Strict regulations…will be used with their full force against any individual found culpable of wrongdoing,” dagdag nito.

Una nang sinabi ng dalawa sa pinakamalalaking bangko sa bansa na BDO Unibank at BPI na pineke raw ang mga dokumentong nag-uugnay daw sa kanila sa naturang payment provider.

Muli ring iginiit ng BSP na batay sa kasalukuyang ebidensya, hindi raw pumasok ang nabanggit na pera sa bansa.

Tiniyak naman ng Central Bank na may nakalatag na measures sa sistemang pinansyal ng bansa upang masawata ang mga kaduda-dudang transaksyon.