-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Pinasisiguro ng bansang Australia na makakatanggap ng covid -19 vaccine ang bansang Pilipinas sa kabila ng kanilang hinaharap na panibagong strain ng virus.

Ayon kay Mark Suede, isang OFW sa bansang Australia, na posibleng maipadala sa bansa ang vaccine sa una o pangalawang quarter ng 2021 batay sa regulasyon na ipinapairal laban sa mga bakuna sa covid-19.

Patuloy pa ring tumatanggap ng mga Australian national ang nasabing bansa ngunit kailangang sundin ang mahigpit na health protocols kagaya ng 14 day quarantine period.

Sa kasalukuyan, kontrolado pa ng bansang Australia ang nasabing strain ngunit patuloy na nagmamatyag dahil mas mabilis di umano ang pagkawa nito halintulad sa unang covid-19.

Dagdag pa nito na sa mga nagpositibo, maswerteng wala ni isang OFW ang nahawan ng nasabing virus.