-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakarating na sa Central Visayas ang tulong na ipinadala ng Florete Group of Companies sa kanilang mga empleyado na nasalanta ng bagyong Odette.

Ang nasabing mga goods na kinabibilangan ng sako-sakong bigas, canned goods, energy drink, kape at drinking water ay isinakay sa 10-footer container van mula sa Iloilo City patungo sa Central Visaya via sea travel.

Ang bawat empleyado ng Bombo Radyo at Star FM Cebu, Queen Bank Cebu at Queen Bank Tagbilaran sa Bohol ay makakatanggap ng tig-iisang sakong bigas na at canned goods na kinabibilangan ng beef loaf, sardinas, pork and beans, tubig, energy drink, kape at noodles.

Napag-alaman na sa kabila ng walang tigil na paghahatid ng balita, naintindihan ng Florete Group of Companies na kailangan rin ng mga empleyado ng tulong lalo na ang mga nasalanta ng bagyo.

Sa ngayon, inihahanda rin ang second batch na tulong.