Umabot na sa kabuuang P1.1 billion ang halaga ng tulong na naihatid ng gobyerno para sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Kasama sa naipamahagi ay ang mga pagkain at non-food items na pinangunahan ng mga ahensya ng gobyerno kagaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of the Civil Defense (OCD), local government units (LGU), habang ang iba ay nanggaling naman sa non-government organizations.
Bukod pa rito, inuulat ng NDRRMC, naipamahagi na ng DSWD ang kabuuang 1,013,000 family food packs sa mga rehiyon sa bansa para sa nagdaang mga bagyo.
Ayon pa sa NDRRMC aabot na sa mahigit 2,200,000 na mga pamilya ang naapektuhan o tinatayang nasa 8,630,000 indibidwal.