Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na mahalaga ang tulong ng mga local government units (LGUs) at ng simbahan para tuluyan ng masugpo ang iligal na sugal sa bansa.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, ang illegal gambling ay isang complex na problema dahil may economic factor ang sangkot, kaya hindi lang ito problema ng PNP.
Sinabi ni Banac, nakikipag-ugnayan na sila sa iba pang ahensiya ng pamahalaan at sa mga LGUs para sa kampanya laban sa iligal na sugal.
Dagdag pa ni Banac, maging ang simbahan kailangan ng maging involved para magbigay ng moral and spiritual guidance sa mga kababayan natin hinggil sa paglaban sa iligal na sugal.
Hinimok din ni Banac ang mga pamilya bantayan at gabayan ang mga anak para hindi matuto magsugal.