Sa pamamagitan ng ISR (Intelligence, Reconnaissance, Surveillance) operations, tutulong ang bansang Singapore sa paglaban sa mga teroristang Maute sa Marawi City.
Sa pulong kahapon nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Singapore Defense Minister Ng Eng Hen, nag-alok ang Singaporean government ng tulong sa Pilipinas para labanan ang terorismo lalo na ang kasong rebelyon na kinakaharap ngayon ng Marawi.
Ayon kay Defenese Assistant Secretary Raymundo Jose Quilop, gaya ng Amerika at Australia ay magbibigay din ang ang Singapore ng ISR support sa Armed Forces of the Philippines.
Ipapagamit din ng Singapore ang kanilang humanitarian assitance disaster relief center sa Changi para kumalap ng tulong mula sa iba pang bansa para sa Marawi City.
Bukod sa ISR support, magbibigay din ng urban training ang Singaporean Armed Forces sa mga sundalong Pinoy.
Binigyang-linaw ng Department of National Defense (DND) na “in principle” pa lamang ang napagkasunduan ng dalawang defense chiefs dahil kailangan pa itong maaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi naman masabi kung anong klaseng ISR ang inialok ng Singapore kung ito ba ay mga surveilance aircraft o drones.