-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagdating ng tulong para sa mga biktima ng 7.2 magnitude na lindol sa Haiti

May dumating na 200 US Marines para sa patuloy na search and rescue operation dahil 332 pa ang nawawala matapos na gumuho ang maraming bahay at gusali sa naganap na lindol.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Nene Sylvain, Pilipinang guro sa Haiti, sinabi niya na nagtungo rin sa Haiti si Amina Mohammed, deputy secretary general ng United Nations at tiniyak ang tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay Gng Sylvain, umakyat na sa 2,189 ang mga nasawi, at 12,000 ang mga nasugatan.

Umabot naman sa 52,953 na bahay at gusali ang ganap na nasira, 77,066 ang mga nagtamo ng pinsala habang 266 na private at public schools ang nasira.

Marami aniyang dumating na pagkain at inuming tubig ngunit kailangan pa ng mga tents para sa mga nawalan ng bahay.

Ayon kay Gng. Sylvain, ang Filipino Community sa Haiti ay nag-ambag ng mga tulong na ibinigay sa mga biktima ng lindol.