-- Advertisements --
Tiniyak ng pamunuan ng Department of Migrant na mabibigyan ng kaukulang tulong ang nasa labing isang OFWs na umuwi ng bansa mula sa Kuwait.
Maaalalang dumating sa bansa ang nasabing mga OFWs sakay ng flight na lumapag sa NAIA Terminal 3.
Ayon sa ahensya , ito ay bahagi ng nagpapatuloy na repatriation program ng gobyerno sa mga OFW na gustong bumalik ng Pilipinas.
Sinalubong naman ng mga tauhan ng OWWA ang mga ito at nabigyan na ng paunang financial aid at pagkain.
Pinagkalooban rin ang mga ito ng pamasahe pauwi sa kani-kanilang lalawigan at nabigyan rin ng pansamantalang hotel accommodation.
Binigyang diin ng ahensya na aalalayan ng mga ito ang iba pang mga manggagawang Pilipino na nais bumalik ng bansa.