-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na may nakalatag na interventions para sa mga apektado ng pamemeste ng armyworms o Harabas sa mga sakahan ng sibuyas sa bansa.

Ayon sa DA-Bureau of Plant Industry, ipinapatupad na ang pest management activities gaya ng pagbibigay ng technical assistance, phremone lures, biological control agents, biopesticides, at synthetic pesticide para makontrol ang peste sumisira sa mga sibuyas.

Maliban dito, mayroon ding interventions pa na isinasagawa sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at field offices ng DA sa mga apektadong rehiyon.

Base sa plant health and pest status report ng ahensiya, aabot na sa 12,137.92 ektarya ng sakahan ng sibuyas ang sinalakay ng mga peste.

Sa kabuuan, nasa 674.10 ektarya ang totally damaged habang 4,045.03 ektarya naman ang partially damaged.

Ang mga apektadong lugar ay sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon at Mimaropa.