Nakapagbigay na ang pamahalaan ng higit sa P123.69 milyong halaga ng tulong sa mga residente na apektado ng kaguluhan sa Mt. Kanlaon.
Ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) na inilabas nitong Huwebes, aabot sa 11,883 pamilya o 45,526 indibidwal mula sa 32 barangay sa Region 6 o Western Visayas ay Region at Central Visayas ang apektado ng aktibidad ng Mt. Kanlaon.
Sa mga apektadong pamilya 9,571 ang nangangailangan ng tulong, at lahat ng mga ito ay nakatanggap na ng ayuda, na nagresulta sa 100% assistance rate.
Idinagdag pa ng OCD na P364,000 na halaga ng tulong ang naitalaga sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) at mga regional agency sa Kanlurang Visayas.
Inihanda rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ilang pondo upang suportahan ang mga gawain ng relief operations, kabilang ang P31.96 milyon sa Quick Response Funds (QRF) sa Central Office ng DSWD, P5 milyon sa DSWD Field Offices (FO) 6 at 7, at P40.88 milyon sa iba pang mga DSWD FOs na maaaring magbigay ng suporta sa mga pangangailangan sa relief sa pamamagitan ng inter-FO augmentation.