-- Advertisements --

Pinayagan na ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang pamimigay ng Supreme Court ng tulong pinansyal para sa mga kawani nito na dinapuan ng COVID-19.

Sa isang circular na may petsang Abril 27, 2021 ay kinumpirma ni Court Administrator Jose Midas Marquez na inaprubahan na ni Gersmundo ang ayuda para sa mga court officials at empleyado nito na kinakailangan ng in-patient care o hospital confinement.

Sakop ng tulong na ito ang pagpapagamot ng mga pasyentem gayundin ang mga namatay simula noong Marso 2020 dahil sa pandemic.

Tatanggap ng P15,000 ang mga mild to moderate symptomes; P30,000 naman para sa mga kritikal ang kondisyon, kabilang na rito ang mga may acute respiratory distress syndrome, septic shock requiring ventilation, oxygenation or renal replacement therapy; P50,000 naman ang matatanggap ng pamilya ng mga court workers na namatay dahil sa deadly virus.

Bawat kwalipikadong benepisyaryo ay kakailanganing maghain ng mga nararapat na dokumento sa Office of Court Administrator’s Financial Management division.

Ang mga requirements na ito ay reverse transcription-polymerase chain reaction test results o RT-PCR test, medical certificate na nakasaad ang findings, at death certificate kung saan makikita na ang pasyente ay namatay dahil sa virus o komplikasyon na dulot ng COVID-19.